Pinangunahan ng pitong Rice Millers buhat sa lalawigan ng Batangas at Laguna ang dumalo sa Agribusiness Investment Forum na isinagawa ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON noong Setyembre 17 โ 18, 2019 sa Sta Rosa, Laguna.
Tinukoy ni Richmond O. Pablo, Sr. Agriculturist ng AMAD na ang pitong kalahok ay ang mga sumusunod; apat ang galing sa Batangas at tatlo naman sa Laguna. Sa Batangas, ito ay ang Caybunga Ricemill at Edgar Ricemill na parehong nasa Balayan, at Joseph & Connie Ricemill at Guenardo Ricemill na nasa Nasugbo. Ang tatlo namang ricemills na galing sa lalawigan ng Laguna ay ang Galo & Aning Ricemill at KCND Ricemill na parehong nasa Cabuyao, at JC Bagayana Ricemill ng Kalayaan.
Dumalo rin ang Panlalawigang Agrikultor ng Batangas na si Engr. Pablito Balantac at staff ng Gobernor ng nasabing lalawigan Kagg. Gobernor Hermilando Mandanas. Pinag-aaralan kasi nila kung papaano isasagawa ang panukala na ang lalawigan ang siyang bibili ng palay sa mga magsasaka bilang ayuda sa mababang presyo ng palay sa pamilihan.
Pinapurihan ni PA Engr. Balantac ang AMAD sa pagsasagawa ng investment forum at pinasalamatan din ang mga rice millers na tumugon sa panawagan ng tanggapan na dumalo sa nasabing pagtitipon.
Nanawagan din siya sa mga ricemillers ng CALABARZON na tulungan ang mga magsasakang kasalukuyang naapektuhan sa pagpapatupad ng rice tarrification law sa bansa.
Sa takbo ng palatuntunan, inilatag naman ng tatlong ahensiya ang kanilang plataporma kung papaano matutulungan ang mga rice millers na mapaunlad ang kanilang negosyo. Ito ay Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech); Development Bank (DBP) at Land Bank of the Philippines (LANDBANK); Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Batay sa talaan ng AMAD, nasa 598 ang ricemillers ng CALABARZON na operational, at ang isa sa mga kahilingan ng mga dumalo ay matulungan silang makabuo ng isang samahan na kikilalanin ng pamahalaan. โข NRB, DA-RAFIS