Upang maipagmalaki at maipakilala ang mga pangunahing produktong organiko ng bansa, pinangunahang ng Department of Agriculture, Agricultural and Marketing Assistance Service (DA-AMAS) at Agricultural and Marketing Assistance Division ng DA – Region IV CALABARZON ang pagdiriwang ng ika-5 Philippine Natural and Organic Products Expo (PNOPEX) sa Ayala Malls Serin, Tagaytay City Cavite noong Nobyembre 13 hanggang 15, 2019.
Ginawa ito bilang pagkilala sa mga dumadaming bilang ng mga magsasaka na naniniwala sa natural at organikong pamamaraan ng pagsasaka, processors, at mga negosyante. Ito ay ginanap kaalinsabay din ng ika-16 na National Organic Agricultural Congress na isinagawa sa Camp Benjamin, Alfonso, Cavite.
Ang pagbubukas ng mga exhibits ay pinangunahan nina: Dr. Joselito Laguardia, kinatawan ng Tanggapan ng Punong Bayan ng Tagaytay City; Eda D. Dimapilis, DA IV- Agricultural Program Coordinating Officer ng Cavite; Ms. Jacky Chan, Deputy General Manager ng Ayala Mall Serin; Trinidad Carlos, Market Specialist III at Leonila Baes, MS II ng DA – AMAS; Editha M. Salvosa, Hepe ng DAIV- AMAD; at Rosalinda G. Galos, Sr. Agriculturist ng DA-AMAD, Caraga.
Ipinaliwanag at kinilala ni Editha Savosa, Hepe ng DAIV-AMAD na mayroong dalawampung Organic Practitioners ng CALABARZON ang nakiisa sa programa. Ito ay ang mga sumusunod: Alfonso Cavite Organic Farmers Agriculture Cooperative; Luntiang Republika Ecofarm; Puypuy Farmer’s Association, Amazing Food Corporation, Chad’s Nature Farm, MILEA Bee Farm, Luntiang Ani, Molinete Farmer’s Association, Melendres Agricultural Farm, Alabat Island Coco Sugar Producers Association, GO sa Quezon, Doña Celle, Hamis & Sealed Green, Charn’s Food Products, Beegood Agriventures, Uma Verde Eco Nature Farm, Greenlife Coconut Products Philippine Inc., Association of Mushroom Agri Growers Possessors & Marketing of Quezon Province (AMAG PM QP), Pasciolco Agri Ventures, at Green Rescue Organic Association, Inc. (NRB, DA-AFIS)