Ang Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON ay nagsagawa ng pag-aaral na pinamagatang “Climate Outlook Presentation at Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture Program (AMIA)” na idinaos noong ika-10 ng Disyembre 2019 sa Conference Room ng nasabing tanggapan.
Layunin nito na maipakilala ang mga nagawa ng DA RFO IV – AMIA bilang flagship program ng Kagawaran para sa climate adaptation at mitigation. Matukoy ang mga lugar na palaging tinatamaan ng masamang panahon para gawing modelo at gawing AMIA Climate-Smart Village (CSV) sa pakikipag-ugnayan at nasa pamamahala ng Systems-wide Climate Change Office (DA-SWCCO) ng Kagawaran.
Ang kumatawan kay Regional Executive Director Arnel V. de Mesa sa pagbukas at pagtanggap ng mga kasapi sa pagsasanay ay si Lucia Campomanes, Director III at Regional Organic Program Focal Person.
Naging kasama din sa pagsasanay ang International Institute of Rural Reconstruction (IIRR), na siyang nagbahagi ang kanilang karanasan sa pagpapatupad ng climate adaptation at mitigation sa rural areas, at ang Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) kung papaano makapasok sa kanilang website at magamit ang mga weather forecasts na kanilang ginagawa para sa kabutihan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ipinakilala at tinalakay naman ni Beth Gregorio Assistant Project Leader, AMIA 2 kung papaano naging modelong Bayan ng CALABARZON ang Bayan ng San Narciso at Guinayangan, Quezon upang tawaging AMIA Climate-Smart Villages (CSVs).
Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga teknisyan ng DA RFO IV at Agricultural Extension Workers ng Local Government Units na pinangunahan nina; Provincial Agriculturist (PA) Lolita Pereña ng Cavite, PA Dr. Reynaldo Bonita ng Rizal at Agricultural Program Coordinating Officer Antonio Visitacion ng Laguna.
Pinangasiwaan naman nina: Amor dela Cruz, PMED-Monitoring Officer; Girsky Anda, Project Research Assistant; Regine Ferma at Rossel Castillo, Team Member at Secretariat ng AMIA ang isang araw na pagsasanay. (NFB, DA-RAFIS)