TAYO NA’T MAG-URBAN AGRI!

Alinsunod sa kampanya ng Kagawaran ng Pagsasaka na masiguro ang pagkain sa hapag, hinihikayat ang lahat sa kani-kanilang tahanan at maging sa buong pamayanan na magtanim.

Kaagapay ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon ng CALABARZON sa adhikaing ito, sa pamamagitan ng paghahatid ng suportang pang-produksyon kagaya ng buto, punla, at kagamitang panghardin/pantanim sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Narito ang maiksing gabay ng pagdidilig ng halaman na nasa Enriched Potting Preparation (EPP) vessel at wastong paggamit ng Compost Soil Extract (CSE) bilang pataba.

Sama-samang pagtatanim, ugaliin natin
Seguridad sa pagkain, ating kamtin!

#plantplantplantnow
#calabarzonagri
#farmersmyheroes