Dahil sa kagustuhan at pagsusumikap ni G. Alvin Ray Rivera na matutunan at maging marunong sa mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay (hybridization), nagawa niyang umani at kumita nang mas malaki sa kaniyang limang (5) ektaryang sakahan.
Marami sa kaniyang mga kapwa magsasaka ang namangha sa pakinabang na idinulot nito sa kanila. Kaya naman sila ay nahikayat na tularan siya.
Si G. Rivera ay isa lamang sa mga natatanging magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!
Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!
#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth202