Aktibong nakikiisa at nakikibahagi si G. GeVanie Magpantay sa iba’t ibang programa at aktibidad na isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka, sa tulong ng tanggapan ng panlalawigan at ng pambayang agrikultor, tulad ng Farmers’ Field School, Farmers’ Productivity Enhancement Program, Farmer-Scientists’ Training Program, at iba pa.

Dito ay marami siyang natutunan at patuloy na natututunang mga mabisang pamamaraan sa pagsasaka gaya ng paghahanda at pagsusuri ng lupa, paggamit ng hybrid na binhi, pagtatala, at mga pamantayan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kaniyang produksyon.

Sa katunayan, malaki ang naiaambag ng kaniyang mga ginagawa sa pagtataguyod ng produksyon ng mais sa bayan ng Catanauan.

Si G. Magpantay ay isa lamang sa mga natatanging magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.

Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!

Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!

#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020