Hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang tuparin ang kaniyang kagustuhang magtanim. Kaya nang siya ay nagretiro noong Nobyembre 2012, sinimulan ni G. Florencio A Flores na linangin ang kaniyang lupain sa pamamagitan ng pagtatanim ng iba’t ibang gulay at pag-aalaga ng mga hayop; at sa tulong ng mga makabagong kasanayan sa pagsasaka tulad ng pruning, crop rotation, at organikong pamamaraan.

Ngayon ay patuloy niyang pinauunlad ang kanilang produksyon kasabay ng pagsasagawa ng value-adding sa kanilang mga produktong pang-agrikultura sa kanilang sariling processing area.

Ang mga ginagawang ito ni Ka Flor ay naging daan sa pagkikila ng ilang ahensya ng gobyerno sa kanilang FLOR and Daisy’s Agricultural FARM – Agricultural Training Institute-accredited bilang learning site; Technical Education and Skills Development Authority-recognized bilang Technical Vocational Education and Training Place and Program on Accelerating Farm School Establishment; at Good Agricultural Practices-certified.

Si G. Flores ay isa lamang sa mga natatanging magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.

Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!

Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!

#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020