Urban Agriculture

Isang programa ng Department of Agriculture na naglalayong matugunan ang seguridad ng pagkain sa bansa sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng binhi upang may mapagkunan ng ligtas, masustansya, at agarang pagkain.

Para makakuha ng libreng binhi ng gulay, tumawag/mag-text sa Agricultural Program Coordinating Office sa inyong lugar:

Cavite – 0977 447 7607 / (046) 505 6392
Laguna – 0927 677 6807 / 0922 454 1846
Batangas – 0917 509 1963 / 0945 493 9988
Rizal – 0917 525 7704 / 0920 972 5996
Quezon – 0928 928 3752 / 0908 904 5901

Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong city/municipal agriculturist.

KADIWA ni Ani at Kita sa CALABARZON

Ang KADIWA ni Ani at Kita ay isang marketing program ng Department of Agriculture na naghahatid sa mga urban consumer ng mga sariwa at dekalidad na agri-fishery produce na mabibili sa murang halaga. Nagsisilbi rin itong sentro ng kalakalan para sa mga farm producer mula sa malalayong lalawigan.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa: 0919 849 8164 at amad_rfu4a@yahoo.com.

Rice Resiliency Project (RRP)

Ito ay bahagi ng Plant, Plant, Plant Program o Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) kontra COVID-19 na naglalayong mapalakas ang local na produksyon ng palay at bigas.

Mga Ayuda Mula sa RRP:

Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) – Enhanced
-Pagbibigay ng abono sa mga magsasakang makakatanggap ng certified seds sa ilalim ng RCEF.

Expanded Inbred Rice Production (Beyond RCEF Areas)
-Pamamahagi ng certified seeds at abono sa mga lugar na hindi kasama sa RCEF at magsasakang gumagamit ng sariling binhi.

Expanded Hybrid Rice Production in Suitable Areas
-Pamamahagi ng hybrid seeds at abono sa mga lugar na akma sa produksyon ng hybrid na palay.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag/magtext sa 09175296015

 

SURE (Survival and Recovery) COVID-19

Isang financing program ng Department of Agriculture na nagpapautang sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng enhanced community quarantine, ng halagang P25,000 na walang kolateral at interes, at maaaring bayaran sa loob ng 10 taon.

Ang mga kwalipikadong micro at small enterprise (MSEs) naman ay maaaring makahiram ng hanggang P10M na maaaring bayaran sa loob ng limang taon ng walang interes.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag/mag-text sa: 0919 849 8163

AI (Avian Influenza)

Ito ay nakahahawang sakit sa mga ibon na dulot ng avian influenza type A virus ng mga domestic at wild bird. Maaari itong maging sanhi ng malubhang sakit o biglaang pagkamatay ng manok, itik, pugo, bibi, pabo, kalapati, gansa, maging ang iba pang feathered animals.

Para sa kahina-hinalang pagkamatay ng inyong mga alaga, tumawag/mag-text sa:
Regulatory Division – (02) 8273-2474 local 4435

Livestock Program – 0917 831 0446

ASF (African Swine Fever)

Ang African Swine Fever ay karamdamang nakukuha ng mga baboy. Maaaring mahawaan ang mga malulusog na biik o baboy kapag nailapit o naidikit sila sa ibang mga baboy, tao, o gamit na nanggaling sa mga lugar na apektado ng ASF. Ito ay walang panganib sa tao.

Kabilang sa mga sintomas ng impeksyon ay ang pagkawala ng gana sa pagkain, pamumula ng balat, pagsusuka, at pagdudumi.

Para sa kahina-hinalang pagkamatay ng inyong mga alaga, tumawag/mag-text sa:
Regulatory Division – (02) 8273-2474 local 4435

Livestock Program – 0917 831 0446

FAW (Fall Armyworm)

Ang Fall Armyworm ay isang pesteng insekto na kumakain ng higit sa 80 uri ng halaman. Kapag ito ay napabayaan ay magiging malaki ang pinsala sa mga pangunahing tanim gaya ng mais, palay, at maging ibang dahong gulay.

Kung may kahina-hinalang presensya ng nasabing peste, agad makipag-ugnayan sa:

Regional Crop Protection Center – 0916 793 7598
Facebook: DA Rcpc Calabarzon​