Patuloy na nagsusumikap si G. Orlando Pedraza kasama ang kaniyang mga magulang sa pagsasaka. Nagawa nilang produktibo ang dating tubuhan sa pamamagitan ng pag-aalaga rito ng iba’t ibang hayop at pagtatanim ng mga gulay at iba pang pananim.
Si Kuya Orlan ay isa nang aktibo at responsableng lider-magsasaka sa kanilang pamayanan. Ibinabahagi niya sa kaniyang mga kapwa magsasaka ang anumang kaalaman at mga bagong tuklas sa pagsasaka na mayroon siya. Patuloy niyang pinagbubuti ang pagtatanim bilang sertipikado ng Good Agricultural Practices. Siya rin ay benepisyaryo ng proyektong Pag-aalaga ng Patabaing Kalabaw para sa Pagpaparami ng Karne ng Philippine Carabao Center.
Si G. Pedraza ay isa lamang sa mga magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!
Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!
#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020