Si G. Nelson Padin ay patuloy sa pagpapaunlad ng kaniyang sarili sa iba’t ibang larangan ng pagsasaka. Ipinapatupad niya ang integrated farming system – pagtatanim ng palay, niyog, saging, kamoteng kahoy, at mga gulay; at pag-aalaga ng baboy, tilapia, at katutubong manok.
Siya ay tumatayong pangulo ng pederasyon ng 4-H Club sa lungsod ng Tayabas. Nakikibahagi rin siya sa mga serbisyong pangkomunidad tulad ng paglilinis sa baybayin, pagpapaganda ng kapaligiran, at pagtatanim ng mga puno.
Si G. Padin ay isa lamang sa mga magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!
Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!
#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth202