Naging inspirasyon ng Sorosoro Multi-Purpose and Allied Services Cooperative (SMASC) ang ilan sa naglalakihan at mauunlad na kooperatiba sa bansa sa paghahangad nito na mapaunlad ang kalagayan ng bawat miyembro at kani-kanilang pamilya. Sa pagtuon nila sa produksyon ng dilaw na mais, gamit ang makabagong pamamaraan ng pagsasaka, unti-unti nilang napataas ang kanilang ani at naipakikila ang kanilang produktong rice-corn mix sa komunidad.
Patuloy na pinatataas ng SMASC ang pamantayan ng pamumuhay ng bawat miyembro nito sa pamamagitan ng mga komite ng samahan sa kredito, etika, edukasyon at pagsasanay, kasarian at pag-unlad, at iba pa.
Ang SMASC ay isa lamang sa mga kooperatiba ng mga magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!
Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!
#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth202