MAMALAHIN 2 Rural Improvement Club (MAMARIC)

 

Ang MAMALAHIN 2 Rural Improvement Club (MAMARIC), na samahan ng mga nanay na magsasaka, ay nagsimula sa paggawa ng dishwashing liquid. Lumawak ang kanilang negosyo at nakagawa sila ng iba’t ibang produkto tulad ng instant salabat; mango chutney; atchara; Spanish sardines; banana, cassava, at sweet potato chips; kutsinta; cheese puto; at calamansi jelly at jam – na dulot ng kanilang sigasig na dumalo sa mga “pangkabuhayan seminar” at ma-update sa mga teknolohiya sa pagpoproseso ng pagkain at value-adding.

Bukod dito, nagbibigay ang MAMARIC sa kanilang mga miyembro ng educational assistance, funeral support, at start-up capital na malaki ang naitutulong sa kani-kanilang pamilya. Regular din nilang isinasagawa ang feeding program sa kanilang baranggay kasabay ng pamamahagi sa mga tao ng kahalagahan ng nutrisyon.

Ang MAMARIC ay isa lamang sa mga natatanging grupo ng magsasaka dito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.

Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!

Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!

#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth2020