Mula noon ay naging aktibo na siya sa pagdalo ng mga pagsasanay na isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka, katuwang ang tanggapan ng pambayang agrikultor ng Rosario, at sa pagpapalaganap ng agrikultura sa kanilang komunidad.
Si G. Barcelos ay kilala sa kanilang bayan hindi lamang bilang tagapangulo ng municipal agricultural and fishery council at ng San Ignacio Irrigators’ Association, kundi dahil din sa kaniyang magagandang kasanayan sa agrikultura at mga mabisang pamamaraan sa produksyon ng puting mais, palay, mani, at iba’t ibang uri ng gulay (lowland) – na nagresulta ng kaniyang pagiging sertipikado ng Good Agricultural Practices.
Si G. Barcelos ay isa lamang sa mga magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.”
Ang Mayo ay buwan ng ating mahal na mga magsasaka at mangingisda, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33. Ipakita natin ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat!
Samahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa kanilang mataas na ani at kita!
#calabarzonagri
#farmersourheroes
#fisherfolkourheroes
#farmersfisherfolkmonth202