Sa tulong at gabay ng Kagawaran ng Pagsasaka at ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, nahimok ni Ka Lito ang 25 magsasaka sa kanilang bayan na subukan ang naturang sistema. Sila ngayon ay sumasailalim sa teknikal na pagsasanay patungkol sa SRI, partikular ang natural na pamamaraan ng pagtatanim ng palay, paggawa ng organikong pataba, at data recording.
Dahil dito ay naniniwala si Ka Lito na darating ang panahon na kikilalanin ang bayan ng Baras bilang numero unong tagapagsuplay ng naturally-grown rice sa bansa.
Si G. Fullante ay isa lamang sa mga magsasaka rito sa CALABARZON na patuloy na nagpapamalas ng kasipagan at inspirasyon sa kanilang komunidad, at tumutulong na itaguyod ang agrikultura na isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating lipunan, lalo na sa panahong ito.
Patuloy nating ipakita ang ating mataas na paggalang at pagkilala sa ating mga mahal na magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal, hindi pag-aaksaya ng pagkain, at pagpapasalamat! Samahan natin sila tungo sa kanilang masaganang ani at mataas na kita!