DA-4A, nanumpa ng katapatan, patuloy na laban sa korapsyon
Pinangunahan ni Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan ang pagpapahayag ng mga opisyal at empleyado ng Kagawaran ng kanilang Panunumpa ng Katapatan noong ika-2 ng Nobyembre.
Kanilang ipinangako na hindi sila gagawa ng anumang uri ng korapsyon, at kanilang isisiwalat at isusuplong sa kinauukulan ang anumang katiwaliang kanilang nasaksihan o natuklasan.
Ang panunumpa ay bahagi ng pakikiisa sa layunin ng paglulunsad ng kauna-unahang Corruption Summit na magaganap mula ika-3 hanggang ika-5 ng buwan.
Tampok dito ang pagpapakilala sa magiging bahagi ng DA Anti-Corruption Committee at ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga empleyado ng Kagawaran sa epekto ng korapsyon sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda.
βTayo po sa Kagawaran ay naghahangad ng isang malinis na gobyerno. Kaya nga po kaisa tayo sa layunin na masigurong hindi natin ipagsasawalang-bahala ang katiwalian. Tulung-tulong po tayo na panatilihing malinis ang ating opisina para sa kapakanan ng ating mga magsasaka at mangingisda,β ani Direktor Dimaculangan. #### ( Reina Beatriz P. Peralta/πΈ Ma. Betina Andrea P. Perez, DA-4A, RAFIS)