Namahagi ng tig-lilimang libong piso (P5,000) ang Department of Agriculture Region IV-A (DA-4A) sa mga maliliit na magsasaka ng palay mula sa mga bayan ng Majayjay at Liliw sa lalawigan ng Laguna, sa pamamagitan ng patuloy na implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmer Financial Assistance (RCEF-RFFA), noong ika-11 ng Enero taong 2022.
Umabot sa 270 magsasaka (136 mula sa Majayjay at 134 mula sa Liliw) ang tumanggap ng nasabing ayuda. Sa kabuuan ay nakapamahagi ang DA-4A ng P1,350,000.00 cash assistance para sa mga magsasaka ng naturang mga bayan.
“Hindi lamang ito basta pera kasi ito ay pandugtong sa aking kabuhayan lalo na at ganitong nasa panahon tayo ng pandemya. Maraming salamat at may mga ganitong programa pala ang ating gobyerno,” ani G. Deonisio Arcenal, isa sa mga magsasaka na nakatanggap ng ayuda mula sa RCEF-RFFA. #### ( Bogs de Chavez)