Tumanggap ang University of the Philippines – Los Baños Institute of Plant Breeding (UPLB-IPB) ng isang four-wheel drive tractor na nagkakahalaga ng P2,065,000.00 mula sa Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A).
Ito ay upang matulungan ang UPLB-IPB na mas palakasin ang suportang ibinibigay nito sa mga magsasaka at mag-aaral ng agrikultura, partikular sa pananaliksik at pagsuporta sa produksyon ng dekalidad na mga binhi.
Pinangunahan ni DA Assistant Secretary for Operations at DA-4A Regional Executive Director Engr. Arnel V. de Mesa ang isinagawang paggagawad ng kagamitan noong January 28, 2022 sa College of Agriculture and Food Science, UPLB, Laguna. Pormal namang tinanggap ang nasabing makinarya nina Bb. Virma Rea G. Lee, Head ng Extension and Business Development Division ng IPB at G. Michael B. Biguelme, Head ng Integrated General Support Services Unit ng IPB.
####(✍Bogs DeChavez; 📸HVCDP)