Tinanggap ng 700 magsasaka at mangingisda ng Batangas ang P50,196,859.10 halaga ng ayuda at interbensyon sa Launching of FY 2022 Rice Competitiveness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA), Fuel Discount Program for Corn Farmers and Fisherfolk, and Distribution of Department of Agriculture (DA) interventions, sa Batangas City Coliseum, noong ika-25 ng Mayo, 2022.
Sa pangunguna nina DA Secretary William D. Dar, Ph.D.; DA Assistant Secretary for Operations at DA IV-CALABARZON Regional Executive Director Engr. Arnel V. de Mesa; at DA Assistant Director for Operations and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) IV-A G. Sammy A. Malvas, tinanggap ng mga magpapalay ang tig-lilimang libong piso (P5,000) na ayuda mula sa RCEF-RFFA at ng mga magmamais at mangingisda ang tig-iisang Fuel Discount Card na naglalaman ng tatlong libong piso (P3000).
Ang RCEF-RFFA ay patuloy na ipinatutupad alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11203 o ang “Rice Tariffication Law (RTL)” at RA No. 11598 o ang “Cash Assistance for Filipino Farmers Act” kung saan ang pagbibigay ng sobrang taripa ay mandato taun-taon na ipinagkakaloob at maaaring asahan ng mga maliliit na magpapalay hanggang sa matapos ang implementasyon ng mga programa.
Samantala, ang pamamahagi ng Fuel Discount Cards ay bahagi ng RA No. 11639 o ang Special Provision No. 20 of the General Appropriations Act of 2022 na naglalayong tulungan ang mga magmamais at mangingisda na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa kanilang kabuhayan.
“Pinapasalamatan ko ang lahat ng mga magsasaka at mangingisda sa patuloy na pagsisikap at pagbibigay ng pagkain para sa ating bansa. Tunay ngang sa pamamagitan ng ating pagkakaisa ay kaya nating maabot ang food security at pag-unlad ng agrikultura. Mabuhay and congratulations po sa lahat,” ani DA Secretary Dar.
Ilan sa mga naipamahaging interbensyon ay ang combine harvester; corn tractor; pump and engine set for shallow tube well; walk-behind transplanter; biosecured and climate controlled finisher Operation facility; rice certified seeds; hybrid yellow and white glutinuous corn seed; iba’t ibang fruit seedlings; inorganic, organic, at foliar fertilizers; plant growth enhancer; calcium nitrate; at mga kagamitang pansaka sa 39 na Farmers Cooperatives and Associations.
“Malaking tulong sa amin na mga magsasaka ang iba’t ibang ayuda at suporta mula sa pamahalaan. Salamat po sa patuloy na pagtulong ng DA sa mga magsasaka at sa pagsusumikap na mas paunlarin pa ang pagsasaka,” ani Tinbugan Farmers’ Association Chairman Napoleon de Chavez, mula sa Rosario, Batangas.
Dumalo rin sa aktibidad sina Assistant Secretary for Strategic Communications G. Noel O. Reyes; Senator Cynthia A. Villar Representative Bb. Rachel Cabanes; DA-4A Farmer Director G. Pedrito R. Kalaw; Batangas 4th District Representative Gng. Lianda Bolilia; Batangas Provincial Administrator Willy Racelis; Batangas Provincial Agriculturist Dr. Rodrigo Bautista; Batangas City Mayor Beverly Rose Dimacuha Rep. Dr. Loyola Bagui; Development Bank of the Philippines Senior Vice President Jun Bandal; Agricultural Training Institute IV-A Acting Center Director Dr. Rolando Maningas; Bureau of Plant Industry Senior Agriculturist G. Lorna Tepper; Fertilize and Pesticide Authority Region IV Supervising Agriculturist Bb. Suzettie Alcaide; National Food Authority (NFA)-NCR Asst. Region Manager Gerard Lim; NFA Region Economist III IV Bb. Bernadette Peña; Philippine Carabao Center Science Research Specialist II Bb. Laarni Parungao; Sugar Regulatory Administration OIC-Chief Agriculturist Zyrus Oliver Montiel; at iba pang kawani ng DA-4A.
#### (✍Jayvee Amir P. Ergino : 📸 Von Samuel Panghulan)