Isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang Consultation Meeting for the Creation of Provincial Convergence Initiative Technical Working Group (PCI TWG) and Preparation of the Interagency Provincial Orientation for the Sustainable Rural Development Plan (SRDP) of Real, Infanta, General Nakar, Quezon (REINA) area, via Webex, noong ika-8 ng Hunyo.
Ang CI-SRDP ay ang programa ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga maliit na magsasaka, magingisda, at Indigenous people sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng serbisyo at interbensyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Dumalo sa pagpupulong ang pamunuan at representante ng DA-4A, Department of Agrarian Reform, Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, Quezon Provincial Local Government Unit (LGU), at LGUs ng Real, Infanta, at General, Nakar.
“Importanteng hakbang po ang pagpupulong na ito upang ating malaman, mapagtulungan at mapalawig pa ang ating mga programag mas mag-aangat sa hanapbuhay ng ating mga magsasaka’t mangingisda,” ani OIC-RTD for Research and Regulations Engr. Marcos Aves, Sr.
Ibinahagi ni National CI-SRD National Secretariat Deputy Head Bb. Nihaya Ariraya ang konsepto, bentahe, at panuntunan ng pagpapatupad ng SRDP. Samantala, tinalakay ni National Economic and Development Authority Senior Economic Development Specialist Bb. Revy Jolongbayan ang REINA Strategic Economic Framework Plan.
“Napakaganda po ng layunin ng convergence initiative-SRDP. Malaking tulong ito upang mapagyaman ang potentsyal ng mga bayan ng Real, Infanta, at General Nakar, Quezon. Sa ngalan po ni Asec. Arnel de Mesa, ay ipinapaabot na buo ang suporta ng Kagawaran upang maisakatuparan ang ating layunin,” ani OIC-RTD for Operations and Extension Engr. Abelardo Bragas.
Inaasahang sa mga susunod na buwan ay isasagawa na ang Inter-Agency Provincial Orientation at ang pagbabahagi ng pinal na listahan ng PCI TWG.