Aabot sa 112 na magmamais mula sa Lian, Calatagan at Nasugbu sa probinsya ng Batangas ang nakatanggap ng fuel discount cards at fertilizer discount vouchers noong ika-24 ng Agosto, 2022.
Ito ay bahagi pa din ng patuloy na implementasyon ng Fuel and Fertilizer Discount Program for Corn Farmers ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa rehiyon.
Ang bawat kwalipkadong benepisyaryo ay makakatanggap ng fuel discount card at/o fertilizer discount voucher na nagkakalahalaga ng P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakabanggit.
Pinangunahan ni OIC-Regional Technical Director for Research, Regulations and Integrated Laboratory at Corn Program Coordinator Fidel Libao ang nasabing pamamahagi.
Aniya, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng DA-4A upang mapabilis na mapaabot ang mga tulong sa mga magsasaka upang maibsan kahit papaano ang kanilang suliranin sa mataas na presyo ng abono at krudo.
“Tunay na maganda at napakalaking tulong ng programa ng DA-4A katulad ng Fuel at Fertilizer Discount Program, makakapagpatubig na kami ng mas maigi at magagamit din namin ito sa pagbubungkal ng lupa gamit ang hand tractor,” ani ni Norberta Rueda, magmamais mula sa Bulihan, Nasugbu. ####( Ma. Betina Andrea P. Perez