Upang matulungang maitaas ang varietal turnover ng mga magpapalay ng rehiyon, nakiisa ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa isinagawang DA – International Rice Research Institute (IRRI) OneRicePH Project Regional and Provincial Consultative Workshops, sa Brgy. Tumbaga 1, Sariaya, Quezon, noong ika-23 ng Agosto.
Ang DA-IRRI OneRicePH Project ay naglalayong pag-isahin ang mga pamamaraan at estratehiya sa pagpapalago ng dekalidad at masustansyang bigas sa bansa. Ang proyekto ay isinasagawa sa pagtutulungan ng DA Philippine Rice Research Institute (PhilRice), DA Bureau of Plant Industry, DA Regional Field Offices, State Colleges, and Universities (SUCs), IRRI, at DA-Bureau of Agricultural Research na siyang naglaan ng pondo para sa proyekto.
Bahagi ng aktibidad ay ang pagbabahagi ng kaalaman patungkol sa DA – IRRI OneRicePH Project at mga hakbang sa pagkamit ng mataas na varietal turnover sa mga sakahan, pagpili at pagbisita sa mga itatalagang techno-demo farms, at pagbuo ng plano sa implementasyon ng proyeto.
Ilan sa mga dumalo sa aktibidad ay sina Quezon Agricultural Programs and Coordinating Office (APCO) Chief G. Rolando Cuasay, DA-4A Seed Coordinator at APCO Laguna Gng. Ma. Annie Bucu, Lipa Agricultural Research and Experiment Station Chief Gng. Virgilia Arellano, DA-4A Alternate Rice Program Focal Bb. Maricris Ite, DA-4A NextGen Focal Bb. Joy Priol, Regional Seed Inspector Gng. Irish Hernandez, Sariaya OIC-Municipal Agriculturist Gng. Nelia Oribe, at iba pang mga kawani ng DA-4A, PhilRice, IRRI, University of the Philippines Los Baños, at Quezon Office of the Provincial Agriculturist. #### (: Jayvee Amir P. Ergino; : Joy Priol)