Inilunsad ang Yamang Lupa: Sustainable Community-based Action R4DE for Livelihood Enhancement, Upliftment and Prosperity (YL:SCALE UP) in Quezon Province sa Tayabas City, Quezon noong ika-23 ng Agosto kasabay ng ceremonial signing ng Memorandum of Understanding at Wall of Commitment ng mga ahensya at Local Government Units kasama ang mga lead farmers ng bayan ng Pagbilao at Tayabas City, Quezon.
Ang YL:SCALE UP ay naglalayong mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka habang pinapangalagaan, pinapanatili at pinalulusog ang yamang kalikasahan. Ang bayan ng Pagbilao at Tayabas City ang makakatanggap ng proyektong may kabuoang halaga na limang milyong piso at isasagawa mula Hunyo hanggang Disyembre taong 2022.
Ang proyekto na tutuon sa apat na libong ekataryang sakahan ay makakatulong sa higit kumulang dalawang libong magsasaka ng Quezon.
Nagpaabot ng pagbati at mensahe ng suporta ang hepe ng DA-4A Research Division, Eda Dimapilis, bilang kinatawan ng pamunuan ng ahensya.
βAng katagumpayan ng programa ay nasa ating pagtutulong-tulong, asahan nyo po ang suporta ng aming opisina kasama ang mga sangay ng ahensya na kaisa po Ninyo sa proyekto. Masayang pagbati po sa inyong lahat. Congratulations po!β aniya.
Pasasalamat naman ang ipinahatid ni Tayabas City Mayor, Ernida Reynoso para sa pagkakaloob ng proyekto.
βTayo po napakapalad na mapiling kabilang sa iilang lugar sa buong bansa na makatanggap ng ganitong proyekto. Kaya naman atin po itong suportahan at pagyamanin sapagkat ito po ay para sa atin. Salamat po sa Department of Agriculture.β Ani Mayor Reynoso
Naging mga panauhin ng seremonya sina City Agriculturist ng Tayabas, Rommel Abuyan, Municipal Agriculturist ng Pagbilao, Leonora Melendrez, Tayabas City Vice Mayor, Lovely Pontioso, mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist at katuwang na ahensya, ang PCIC, BAR, BSWM at BPI. Kasama ng DA-4A Project Leader Dr. Dario Huelgas ang mga kawani mula sa Research Division ng ahensya. #### ( Caguitla/ Danica Daluz)