Sumailalim sa pagsasanay ang mga organikong magsasaka mula sa probinsya ng Laguna at Quezon ukol sa Participatory Guarantee System (PGS) na inihandog ng Agricultural Training Instituted IV-CALABARZON (ATI-4A) sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) – Organic Agriculture (OA) Program mula noong ika 15 hanggang ika 26 ng Agosto sa Liliw, Laguna.

Layunin ng pagsasanay na mas palaganapin ang organikong pagsasaka sa rehiyon alinsunod sa mga pamantayan na itinakda ng Bureau of Agriculture and Fishery Standards (BAFS) sa Philippine National Standards (PNS) for Organic Agriculture at Republic Act No. 11511.

Ang PGS ay binubuo ng mga organic farmers cooperative and associations (FCAs) at pribado at pampublikong sektor na layuning makapagbigay ng lehitimong sertipikasyon sa mga organikong produkto sa mas mababang halaga.

Ilan sa mga tinalakay na paksa ay ang pagkilala sa mga tuntunin at regulasyon ng organikong pagsasaka, malalimang pagkilala sa PGS, mga hakbang sa pagpapasertipka ng grupo at ilang mga paksa ukol sa pagpapatkbo ng isang grupo.

Naging pangunahing tagapagsalita sina Arnaldo Gonzales at Crissel Tenolete, at Jun Villarante ng DA-4A OA Program at Regulatory Division, ayon sa pagkakabanggit. ####  (  ✍ :Bogs de Chavez  📸: Organic Agriculture Program)