Pormal nang tinanggap ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Rizal Agricultural Research and Experiment Station (RARES) ang Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) Certificate para sa kanilang Smart Greenhouse Project of the Philippines (SGPP) tomato crop, mula sa Bureau of Plant Industry, noong ika-10 ng Agosto.
Ang PhilGAP certification ay patunay na sinusunod ng RARES ang mahahalagang panuntunan, regulasyon, at batas sa pagsusulong ng GAP na naglalayong masiguro ang ligtas at de-kalidad na pananim, habang pinoprotektahan ang kapakanan ng mga magsasaka at kapaligiran.
Nakuha ng RARES ang 100% compliance para sa mga dokumento, kagamitan, at mga sumusunod na pasilidad ng SGPP: water potability test; interlocking unit; machinery room; nursery; five small units of greenhouse; cold storage & chemical storage; mixing, fertilizer, pesticide, packing, rest, wash, at waste segregation area; comport room; cleaning tool; Personal Protective Equipment; at first aid kit.
Ayon kay RARES OIC-Agricultural Center Chief Alexandra Jamoralin, ang sertipkasyon ay ang tugon ng pumunuan upang maging modelo ang istasyon para sa mga magsasaka.
Matatandaang nauna nang maging PhilGAP certified ang Cavite at Quezon Agricultural Research and Experiment Station na bahagi pa rin ng mga pasilidad ng DA-4A. #### ( : Jayvee Amir P. Ergino; : DA-4A RARES)