Dinaluhan ng San Pedro Multi-Purpose Cooperative, General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative at Southern Luzon Farmers and Traders Agriculture Cooperative and ginanap na KADIWA On Wheels sa Southville 3, Barangay Poblacion, Muntinlupa City noong ika-3 ng Setyembre 2022.
Ang Kadiwa ay programa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) kung saan inilalapit ang mga produktong pag-agrikultura sa merkado.
Tinutulungan ng programa ang mga Farmer Cooperatives and Associations (FCAs) ng rehiyon na madala ang mga pangunahing produktong gulay, prutas at karne sa mga lugar kung saan magkakaroon naman ng access ang mga mamimili sa mas mababang halaga kumpara sa mga regular na pamilihan.
Ang DA-4A Kadiwa ni Ani at Kita ay patuloy na umiikot hindi lamang sa rehiyon kung hindi sa mga karatig bayan sa kalakhang maynila upang siguraduhin ang patuloy na suplay ng pangunahing pagkain sa mga mamimili. #### (Chieverly Caguitla/photos AMAD)