Upang maging handa at matatag ang mga sakahan ng CALABARZON para sa climate change at sa mga darating na bagyo at tagtuyot, nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) ng seminar ukol sa Climate Resilient Agriculture (CRA) at Climate Information System (CIS) noong ika-6 ng Setyembre, 2022.
Kasama sa seminar na ito ang mga banner programs, agricultural program coordinating officers (APCO), Local Government Units (LGU) at iba pang mga yunit.
Tinalakay sa seminar na ito ang AMIA Village, Regional Seasonal Climate Outlook and Advisory (RSCOA), CRA practices at epekto ng init sa mga alagang hayop.
“Tinutulungan ng programang AMIA Villages ang mga highly vulnerable communities’ o areas na may mababang adaptive capacity sa climate change. Sa programming ito, ituturo naming ang mga angkop na CRA pratices base sa aming climate risk assessment,” ani ni AMIA Alternate Focal Person Aida Luistro.
Inulat naman ni Science Research Specialist I Girsky Anda ang RSCOA para sa Setyembre 2022 hanggang Enero 2023. Ayon sa kanya, magkakaroon ng above normal (>120%) na pag-ulan sa darating na Oktubre ayon sa data ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA).
Nagbahagi rin si Senior Science Research Specialist Wilmer Faylon, ng epekto ng heat stress sa ating mga alagang hayop.
Ayon sa isinagawang seminar, maaaring makaapekto ang labis na dami ng ulan sa pag-aani at pagpapatuyo ng mais sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre kaya kinakailangan na may sapat na drying facility o drying machine ang bawat komunidad upang maiwasan ang pagkakaroon ng Aflatoxin sa mais. #### (Ma. Betina Andrea P. Perez)