Aabot sa P239,898 ng mga produktong agrikultural ang naibenta sa isinagawang Kadiwa ni Ani at Kita on Wheels noong 9-11 Septyembre 2022 sa San Pedro City Hall, Brgy. Langgam, San Pedro City, Brgy. Fairview, Culiat Quezon City at Camarin Caloocan.
Ang Kadiwa ay isang programa ng Department of Agriculture na naghahatid sa mga urban consumer ng mga sariwa at dekalidad na produktong agrikultural na mabibili sa murang halaga. Nagsisilbi rin itong sentro ng kalakalan para sa mga farm producer mula sa malalayong lalawigan.
Ilan sa mga lumahok na samahan ay ang San Pedro Fish and Vegetable Vendors Association, Luntian MPC, General Trias Dairy Raisers MPC, Cafe Amadeo Development Cooperative at The Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative. Inaasahang magpapatuloy pa ang Kadiwa hanggang sa matapos ang taon. Tumutok lamang sa official facebook page ng Department of Agriculture para sa mga susunod na schedule ng KADIWA. #### (Bogs De Chavez Genielle Regalado, AMAD)