Apat na samahan ng mga magsasaka sa Batangas ang nagkaloob ng Botanical Concoction Facility mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A).
Ito ay opisyal na naigawad noong 15 Setyembre 2022 sa pangunguna ng DA-4A Regional Agricultural Engineering Division (RAED).
Ang nasabing pasilidad ay maaaring magamit sa paghahalo at pagbuburo ng mga prutas, gulay, isda, pulot, at iba pang likas na yamang makikita sa sakahan. Dito binubuo ang mga nagsisilbing natural o organikong pamatay ng insekto at pataba.
Tinanggap ito ng Samahan ng Magsasaka sa Mataas na Kahoy (SAMA SAMA), Amazing Grace Foundation, Sto. Tomas Organic Practitioners Association (STOPA), at Molinete Organic Farmers Association (MOFA) mula sa bayan ng Mataas na Kahoy, Bauan, Sto. Tomas, at Laurel, Batangas.
Sa pangangasiwa nina Engr. Ronnel Perey at Engr. Vincent Dangan mula sa RAED ay ginabayan ang mga samahan ng angkop na paggamit at pagpapanatili ng kaayusan ng nasabing imprastraktura. Inaasahan din ang patuloy na pagsubaybay ng mga kawani ng DA-4A sa kapakinabangan nito. #### (Danica Daluz RAED)