Nagpulong ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) at DA-Bureau of Animal Industry (BAI) para sa proyektong ‘Strengthening the Philippine Animal Health Information System’ (PhilAHIS) kasama ang Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs (MAFRA) of the Republic of Korea.
Ito ay upang mapaigting ang implementasyon ng PhilAHIS sa rehiyon.
Ang PhilAHIS ay isa sa mga sistema ng Kagawaran na naglalaman ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang produksyon at estado ng kalusugan ng mga alagang hayop sa bansa. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na components: surveillance and vaccine system; laboratory information system; at livestock monitoring system.
Inilahad ni Republic of Korea PhilAHIS Project Leader Steve Park kay DA-4A OIC Regional Executive Director Milo Delos Reyes, ang plano, layunin, at implemenastyon ng proyekto. Ayon sa kanya, isa itong grant mula sa kanilang pamahalaan na naglalayong i-mordernize ang PhilAHIS.
“Bilang isa sa mga rehiyong nangunguna sa produksyon ng livestock, handa ang aming ahensya na makipagtulungan sa ikatatagumpay ng proyekto,” ani DA-4A OIC RED Delos Reyes.
Parte ng aktibidad ang Situation at Data/Information Collection Assessment at Review ng kasalukuyang proseso ng DA-4A Regional Animal Disease and Diagnostic Laboratory (RADDL) sa implementasyon ng PhilAHIS. #### (: Jayvee Amir P. Ergino)