Tatlong rice thresher ang naipagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga magpapalay sa Quezon sa ilalim ng Rice Program noong 27 Setyembre 2022.
Ang rice thresher o tilyer ay ang makinaryang ginagamit sa paghihiwalay ng palay at dayami sa mas mabilis na paraan na kabilang sa proseso ng pag-aani.
Ang mga tilyer ay naipamahagi sa Samahan ng Magpapalay ng Barangay Nalunao, Samahan ng Magpapalay ng Manasa, at Ibabang Palale Farmers Association mula Lucban at Tayabas City, Quezon.
Sa pangunguna ng mga kawani ng Regional Agricultural Engineering Division ay nagkaroon din ng testing at demonstrasyon sa paggamit ng nasabing makinarya upang magabayan sa tamang paggamit ang mga benepisyaryo. #### ( Danica Daluz RAED)