Bilang suporta sa layunin ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) na paunlarin pa ang mekanisasyon sa sektor ng agrikultura sa rehiyon, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Agricultural Machinery Inventory sa iba’t-ibang panig ng rehiyon sa pangunguna ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED).
Ang Agricultural Machinery Inventory ay ang pagsusuri sa mga nakarekord na makinaryang pangsaka na naipamahagi ng kagawaran upang siguruhin ang kasalukuyang kalagayan ng mga ito at tingnan ang mga potensyal na problemang nakita sa paggamit ng mga ito.
Ilan sa mga makinaryang iniimbentaryo ay ang hand tractor, four-wheel tractor, pump and engine, combine harvester, rice mill, grain dryer, transplanter, multi-cultivator, grass cutter, power sprayer, forage chopper, shredder, corn sheller, coffee roaster, cassava grater, at iba pa.
Ang aktibidad ay alinsunod sa Memorandum Order No. 29 Series of 2019 na nagtatakdang magsagawa ang bawat tanggapan sa buong bansa ng pag-iimbentaryo sa taong 2022 na magsisilbing batayan sa pagpapadala ng mga karagdagang interbensyonng makinarya para sa darating na taong 2023 at sa mga susunod pa. #### (Danica Daluz RAED)