Kaakibat ng panata tungo sa pagsiguro ng masaganang produksyon ng pagkain sa rehiyon, ipinagdiwang ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang World Food Day sa pamamagitan ng isang maikling programa sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong ika-17 ng Oktubre 2022.
Bilang tanda ng pakikiisa ay sama-samang nanumpa ng World Food Day Pledge ang mga kawani ng DA-4A sa pangunguna ni OIC-Regional Technical Director for Operations and Extension Engr. Marcos Aves, Sr. at OIC-Regional Technical Director for Research, Regulations, and Integrated Laboratories Fidel Libao.
Tampok rin sa aktibidad ang KADIWA ni Ani at Kita kung saan nakapagbenta ang pitong samahan ng mga magsasaka ng kani-kanilang produktong agrikultural. Sila ay ang Luntian Multi-Purpose Cooperative, Rootcrop Growers of Batangas, Bonliw Farmers Association, Lipa Beekeepers Marketing Cooperative, Buklod-Unlad Multi-Purpose Cooperative, Pederasyon ng Magsasaka ng Tiaong, at Miraβs Turmeric Products. #### (Danica Daluz RAFIS)