Labing walong (18) Agricultural Extension Workers (AEWs) ang sumailalim sa pagsasanay sa Smallholder Horticulture Empowerment and Promotion (SHEP) Approach ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa pakikipagtulungan sa Japan International Cooperation Agency (JICA) sa LARES, Lipa City, Batangas noong 17-20 Oktubre 2022.
Ang SHEP ay isang agricultural extension approach na naglalayong ipabatid at gabayan ang mga magsasaka tungo sa isang market-oriented agriculture. Ang mga AEWs ang magiging tagapag-gabay sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga aktibidad katulad ng vision o goal sensitization workshop, market survey, decision making in crop selection at in-field training upang palawigin ang kaisipang “Farming as a Business”.
Positibo ang layunin ng pagsasanay na mapalakas ang mga AEWs sa kanilang mga gawain bilang katuwang ng ahensya sa pagpapalawig ng kakayanan ng mga magsasaka hindi lamang sa produksyon kundi maging sa ugnayan sa merkado.
Kabilang sa mga kalahok ay ang mga AEWs ng Balete, Cuenca, Lemery, Malvar, Nasugbu, Rosario, San Juan, Tanauan, at Lipa City. #### ( Chieverly Caguitla)