Tinatayang 1,398 na maliliit na magpapalay mula sa bayan ng Nasugbu at Lian, Batangas ang nagkaloob ng tig-lilimang libong piso (P5,000) noong 25 Oktubre 2022.
Sa bisa ito ng Republic Act (RA) No. 11203 o “Rice Tariffication Law” sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) Program ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) kung saan ang mga benepisyaryo ay mga magpapalay na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na may sinasakang lupang hindi lalagpas sa dalawang ektarya.
Pinangunahan ni OIC-Regional Technical Director for Research, Regulations, and Integrated Laboratories Fidel Libao at Congresswoman Eileen Ermita-Buhain ng unang distrito ng Batangas ang nasabing pamamahagi kasama ang iba pang kawani ng DA-4A.
Buo ang pasasalamat ng magkaibigang magpapalay mula sa Nasugbu na sina Maria Abellera at Gregorio Dela Cruz. Anila, ipambibili nila ang natanggap na ayuda ng gamot at abono para sa kanilang palayan. #### ( Danica Daluz)