Upang masiguro na epektibong naiimplementa ang mga programa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa ilalim ng Rice at Corn Banner Program, nagsagawa ng operational monitoring ang DA-Field Programs Coordination and Monitoring Division (DA-FPCMD) sa mga suportang agrikultural sa Batangas at Rizal noong ika 24-27 ng Oktubre 2022.
Kasama ang mga kawani mula sa DA-4A, binisita ng DA-FPCMD ang bayan ng San Jose, Ibaan, Batangas City, at Balayan sa probinsya ng Batangas, at Morong, Teresa, Antipolo City, at Pililla naman para sa probinsya ng Rizal.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ng ebalwasyon sa paggamit at pangkalahatang epekto ng mga interbensyong natanggap ng mga magsasaka sa mga nasabing lugar, partikular ang mga suportang binhi at pataba na naipagkaloob ng National Rice and Corn Programs (NRP/NCP). Gayundin, ang implementasyon ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) at Fuel Discount programs.
Ilan sa mga representante ng mga magpapalay, magmamais, at lokal na pamahalaan ay malayang nakapaglahad ng mga isyu at suwestyon tungo sa ikagaganda pa ng mga programang agrikultural sa rehiyon. #### (Danica Daluz Rice Program)