Inilunsad ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang proyektong “Establishment of DA-4A Technology Business Incubation (TBI)” noong ika-28 ng Setyembre 2022 sa Organic Agriculture Research and Development Center.
Layunin ng TBI na maipasa sa mga nagsisimulang agribusiness sa rehiyon ang iba’t-ibang epektibong teknolohiyang napatunayan sa pamamagitan ng pananaliksik na makakatulong sa pagpapataas ng kanilang produksyon at kita. Isang halimbawa nito ay ang pagpoproseso ng kamote upang maging harina na ginagamit sa paggawa ng cassava cake, cassava chips, at iba pa.
Kalakip ng paglulunsad, nagkaroon ng serye ng pagsasanay tungkol sa ligtas at angkop na pagproproseso ng pagkain batay sa pamantayan ng Food and Drug Authority (FDA), pagnenegosyo, mga katangian ng pagiging mahusay na agripreneur, mga huwarang pamamaraan sa pagmamanupaktura at pangangalaga ng produkto, at pagkontrol ng peste.
Naging partisipante sa aktibidad ang mga miyembro ng Marawoy Women’s Association Incorporated, Rootcrop Growers of Batangas Agricultural Cooperative, at Bonliw Farmers Association.
Mula sa pagpopondo ng DA-Bureau of Agricultural Research (BAR) sa proyekto, naisakatuparan ito sa pagtutulungan ng mga kawani mula sa Research Division, Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), Operations Division, Organic Agriculture Research & Development Center (OARDC), at Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES). #### (Danica Daluz Research Division)