Kabuuang P3,910,000 milyong pisong halaga ng tulong pinansyal ang natanggap ng 782 magpapalay mula sa bayan ng Luisiana at Cavinti, Laguna, bilang bahagi ng Rice Competetiveness Enhancement Fund Rice Farmers Financial Assistance o RCEF-RFFA noong ika-8 ng Nobyembre.
Sa bisa ito ng Republic Act (RA) No. 11203 o “Rice Tariffication Law” kung saan ang bawat magpapalay na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at mayroong sinasaka na hindi lalagpas sa dalawang ektarya ay makakatanggap tig-lilimang libong piso (P5,000).
Patuloy na hinihikayat ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON ang lahat ng magsasaka na magpatala sa RSBSA upang maging kabahagi ng iba’t ibang programa ng ahensya. #### ( : Jayvee Amir P. Ergino; : Domingo Samson)