Tatlumpu’t tatlong (33) magmamais ang sinanay ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Corn Program patungkol sa Seed Selection and Integrated Pest Management (IPM) noong ika-9 ng Nobyembre sa San Andres, Quezon.
Layunin ng aktibidad na maituro ang wastong pamamaraan ng pamamahala at pagkontrol sa mga peste o sakit ng mais upang mabawasan ang dulot nitong pinsala sa kanilang sakahan.
Ibinahagi rin sa mga magmamais ang pagpili ng angkop na mga barayti ng binhi at iba pang teknolohikal na hakbang na makakatulong sa pagpapataas ng kanilang produksyon.
Ito ay pinangunahan nina OIC-RTD for Research and Regulations Eda Dimapilis, Corn Program Focal Person Fidel Libao, mga representante mula sa Agricultural Program Coordinating Office (APCO), Municipal Agriculture Office (MAO), at iba pang kawani mula sa DA-4A.
Ang pagsasagawa ng pagsasanay ay isa sa mga tugon ng DA-4A sa suliranin ng mga magsasaka tungkol sa paglaban sa mga peste na idinulog nila sa isang “Huntahan sa Kanayunan” sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Milo delos Reyes. #### ( Danica Daluz Corn Program)