Magkatuwang ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at DA Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños sa isinagawang KADIWA Farmers’ Market sa Los Baños, Laguna noong Nobyembre 18-19, 2022.
Ito ay bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng National Rice Awareness Month (NRAM) kung kaya’t nilayon ng aktibidad na bigyan ng pagkakataon ang mga samahan ng magsasaka na direktang mailapit ang kanilang mga inaning produkto sa mga mamimili.
Ilan sa mga nakapagbenta sa Farmers’ Market ay ang Southern Luzon Farmers and Traders Agriculture Cooperative, Amazing Foods Corporation, Buklod-Unlad Multi-Purpose Cooperative, Majayjay Organic Farmers Association, Soro-soro Ibaba Development Cooperative, Juan Santiago Agriculture Cooperative, Simula Harvest (YFC), SINLIKAS Import and Export Packaging, Lime Tree Farm Solutions, at Paras Integrated Farm.
Ang nasabing akitibidad ay pinangunahan nina DA PhilRice Los Baños Director Rhemilyn Relado-Sevilla, DA-4A Agribusiness and Marketing Assistance Division Chief Editha Salvosa, at University of the Philippines Los Baños (UPLB) Vice Chancellor for Administration Prof. Rolando Bello. #### (Danica Daluz AMAD)