Para sa paghahangad na lalong mapalago, magkaroon ng bagong ideya, at mapaunlad ang negosyong nasimulan ng mga Young Farmers Awardee (YFC) ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), isinama ang labing isang kabataang awardees mula sa CALABARZON sa Lakbay-Aral na isinagawa ng Agribusiness and Marketing Assistance Services ng Department of Agriculture (DA) noong ika-4 ng Agosto 2023 sa Las PiƱas City, Metro Manila.
Ang mga YFC Awardees ay sina Quisandra Jean Nera ng Syudad-Agrikulutra Agricultural Products Trading at Nicole Angelee Perez ng Danaw Agricultural Farm ng Los BaƱos, Laguna, Ma.Regina Patungan ng Hiyas Mushroom ng Montalban, Rizal, Roan Pabilonia ng Likas Bukid ng Tayabas City, Quezon, Mark Lester Mameng ng Maliaās Mushroom ng Lipa City, Batangas, Anne Marie Caparros, Errah Monica Marasigan at Bridget Irish Padayao ng Sinko Senyora ng Sariaya, Quezon, Genevie M. Marqueses ng GeniPoul ng Gumaca Quezon, at Lino Alano at Kelvin MIcheal Crystal ng Baryo Kape, sa Indang, Cavite.
Kasabay ang mga awardees mula sa Region III at National Capital Region (NCR) binisita nila ang ibat ibang project site ng Villar SIPAG Foundation tulad ng theater, museum, gawaan ng upuan mula sa mga plastic na basura, gawaan ng coconet mula sa basura ng biniyak na buko, bamboo factory, gawaan ng ibat ibang kagamitan mula sa pinatuyong waterlily mula sa mga ilog ng Las PiƱas, at sa dairy cow farm.
Layunin ng naturong lakbay-aral na mabigyan ng mga bagong ideya at inspirayon ang mga YFC awardee na mas mapalago at mapaunlad pa ang kanilang nasimulang negosyo sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya para sa mga bagong produkto at mas mapabuti ang kanilang istratehiya sa pagbebenta at pagmamarket ng kanilang produkto. Ninanais din ng programa na ipakita sa mga kabataan na nasa kanila ang pag-asa ng pag-unlad ng sektor ng agrikultura at pagsalba sa ating kapaligiran.
Samantala, nakadaupang palad din ng mga batang magsasaka si Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform Chairman Senator Cynthia Villar. Naibida at naiabot dito ang ilan sa kanilang mga produkto na lubos na ikinatuwa ng senadora.
Kasama at naging gabay ng mga batang magsasaka ang mga kawani ng DA-4A Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD).