Sa pangunguna ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program, isinagawa ang Training on Values Formation, Leadership, and Organizational Strengthening, Capability Building on Documentary Requirements, and Vegetable Production and Botanical Concoctions noong ika-23 hanggng ika-24 ng Agosto, 2023 sa Brgy. Lubayat, Real, Quezon.
Tinuruan ang 52 katutubo kung papaano mamahala o mamuno ng isang organisasyon ganun din ang mga katangian at kwalipikasyon ng isang lider. Binigyan diin sa pagsasanay ang mga magagandang katangian kinakailangan ng bawat miyembro upang mas mapatibay ang kanilang Samahan at ang mga kinakailangan dokumento upang maging isang akreditadong samahan sa DA-4A nang sa ganun ay makatanggap sila ng mga kinakailangan interbensyon.
Ayon kay Angelyn Corolacion, ang ikakabuti at ikakaunlad ng isang samahan ay nasa magaling at masigasig na pinuno. Sinabi din niya ang mga ganitong pagsasanay ang maghuhubog sa kanila upang umunlad sila kasabay ng kanilang sakahan.
Samantala, nagkaroon ng din pagsasanay sa produksyon ng iba’t-ibang klase ng gulay at pagpagagawa ng botanical concoction tulad ng Fermented Fruit Juice, Fermented Plant Juice, at Fish Amino Acid na pwedeng gamitin bilang abono sa mga pananim.
Naging tagapagsanay ang mga kawani ng DA-4A 4K Program na sina Alternate 4K Focal Person Jacqueline Sunga, Rochelle Ann De Ramos, at Jason Trinidad.