Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Regional Civil Society
Organization (CSO) Summit 2023 noong Septyembre 25-26 at Oktubre 3-4, 2023, sa Lipa City, Batangas.
Ito ay upang hikayatin ang mga organisasyon ng magsasaka na maging DA-Accredited CSO at mas
palakasin naman ang mga ganap nang akreditadong CSO sa pamamagitan ng pagkakaroon ng personal
na interaksyon at pakikipagugnayan sa ibat ibang government agencies, Government Owned and
Controlled Corporations (GOCC), government banks, Local Government Units (LGUs), at mga banner
programs ng DA-4A.
Dito ay tinalakay ng mga naimbithang ahensya ang kanilang mga serbisyo at programa para sa
pagpapalakas at pagpapatibay ng mga akreditadong organisayon.
Ang CSO ay tumutukoy sa isang samahan o organisasyon sa pribadong sektor ng lipunan na nakikiisa sa
pamahalaan upang makatulong sa mga adhikain at layuning pangkaunlaran. Samantala, ang DA-
Accredited CSO naman ay ang mga lehitimong grupo o samahan na dumaan sa masusing akreditasyon
na isinagawa ng DA upang maging kwalipikado sa mas malalaking interbensyon o ayuda ng kagawaran
na kung saan sila mismo ang magiging katuwang ng ahensya sa pagsasagawa o implementasyon ng mga
programa o proyekto.
Ang mga naging tagapagsalita ay mga representante mula sa Department of Social Welfare and
Development (DSWD), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Coconut Authority
(PCA), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Council for Agriculture and Fisheries
(PCAF), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), Cooperative Development
Authority (CDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Commission on
Indigenous Peoples (NCIP), Securities and Exchange Commission (SEC), National Irrigation
Administration (NIA), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Landbank Lending Center-Batangas,
Office of the Provincial Agriculturist Cavite, Office of the Provincial Veterinarian Cavite, DA-4A
Administrative Division, at mga banner programs representative o opisyal mula sa Rice, Corn, High Value
Crop, 4K, Organic, Livestock at F2C2.
Ayon Kay Planning, Monitoring and Evaluation Division Chief at Vice-Chairperson for DA-4A CSO Regional
Technical Committee Ma. Ella Obligado, ang mga DA-Accredited CSO ay ang magiging modelo ng mga
organisasyon sa agrikultura. Aniya, sila ang magiging partner ng kagawaran para pagpapaunlad ng mga
magsasaka at sila din ang kokonsultahin ukol sa mga pangangailangan ng mga ito.
Samantala, ang mga naimbitahang mga DA-Accredited CSO ay ang Lipanta Agriculture Workers
Association, HoneyBee Multi-Purpose Cooperative, Bongliw Women Improvement Club, Sentrong
Ugnayan ng Mamayang Pilipino Multi-Purpose Cooperative, Pacheco Agrarian Reform Cooperative,
Daine 1&2 Farmers Association Inc., Infanta-Gen.Nakar Producers Cooperative, Buklod Unlad Multi-
Purpose Cooperative, L7 Livestock Agriculture Cooperative, Cavinti Farmers Agriculture Cooperative,
Pina Taysan Agriculture Cooperative, Rhudara Multi-Purpose Cooperative, Top Herbalist Agriculture
Cooperative, Barangay Bato Organic Farmers Association, Batangas Egg Producers Association Inc.,
Quezon Federation Union of Cooperative (QFUC), Terra Verde Ecofarm, Bilibinwang Multi-Purpose
Cooperative, Yakap at Halik Multi-Purpose Cooperative, Luzon Eco-Transport Service and Multi-Purpose
Cooperative at Pangkalahatang Samahan ng Magsasaka ng Siniloan (PASAMASI).
Ayon kay G. Ramon Daet, isang opisyal mula sa Brgy. Balungay Coconut Farmers Association ng
Panukulan, Quezon, ang ganitong aktibidad ay malaking tulong sa kanilang samahan. Aniya, nagkaroon
sila ng mga ideya sa mga possible nilang makuhang tulong sa iba pang ahensya upang lalong patatagin
ang kanilang samahan.