Nagsagawa ng isang business conference (BizCon) ang Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon (DA-PRDP 4A) upang tipunin at pag-ugnayin ang mga farmers cooperatives and associations (FCAs) at mga kinatawan ng publiko at pribadong sektor sa industriya ng poultry.
Bahagi ito ng paghahanda ng DA-PRDP 4A sa pagpondo ng mga proyektong pangnegosyo sa ilalim ng DA-PRDP Scale-Up, ang mas pinalawak na bersyon ng DA-PRDP.
Tinalakay sa BizCon ang mga sumusunod: ano ang PRDP Scale-Up, kalagayan ng industriya ng poultry sa rehiyon ng CALABARZON, at mga oportunidad at stratehiya na magpapatibay at magpapalakas dito.
Hinikayat ni DA-PRDP National Deputy Project Director Shandy Hubilla ang mga kinatawan ng publiko at pribadong sektor na lumahok sa DA-PRDP Scale-Up. Ayon sa kanya, ang DA-PRDP Scale-Up ay isang oportunidad upang mas paigtingin at gawing makabuluhan ang ugnayan ng mga magsasaka sa mga publiko at pribadong sektor tungo sa mas maunlad na sektor ng agrikultura.
βIn DA-PRDP, we are catalyzers. We bring in all the major players of this industry. We hope that through the PRDP Scale-Up, we will be able to unlock the potential of the chicken and egg industry here in your region,β ani DA-PRDP National Deputy Project Director Hubilla.
Dumalo sa pagtitipon sina DA Undersecretary for Finance Agnes Catherine Miranda at maging ang mga kinatawan ng World Bank. Dumalo din ang mga sumusunod sa BizCon: Regional Agriculture and Fishery Council – CALABARZON, LandBank of the Philippines, Development Bank of the Philippines β Lipa Lending Center, Quezon Poultry and Livestock Corporation, APT Health Inc., Agro-digital PH, Cavite Livestock and Poultry Raisers Association, Siniloan Livestock and Poultry Raisers Association, Batangas Egg Producers Multi-Purpose Cooperative, Batangas Egg Producers Association Inc., at ang Rizal Poultry and Livestock Association.