Tinipon ng DA-Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon at ng DA-Philippine Carabao Center ang mga pangunahing aktor sa dairy carabao value chain (farmers cooperatives and associations, lokal na pamahalaan, ahensya ng gobyerno, technology innovators, financial institutions, and institutional buyers) sa DA-PRDP Business Conference on Dairy Carabao. Layon ng aktibidad na tukuyin ang mga pangunahing isyu at investment opportunities sa industriya ng dairy carabao sa Calabarzon at bumuo ng mga potensyal na interbensyon na magpapaunlad sa Xnasabing industriya.
Iniulat ng DA-PCC ang resulta ng kanilang value chain analysis sa dairy carabao upang mabigyan ng mas malawak na pagtingin sa industriya ang mga kalahok. Samantala, ipinakilala naman ng DA-PRDP 4A ang DA-PRDP Scale-Up na maaaring magpondo ng mga malalaking proyekto na makakatulong sa nasabing industriya. Matapos ito, ibinahagi naman ng mga kalahok ang kani-kanilang mga pangunahing proyekto, mga potensyal na investment areas, mga pangangailangan, at mga suportang kaya nilang ibigay.
Batay sa mga diskusyon, nakabuo ang DA-PRDP 4A, DA-PCC, at mga kalahok ng potensyal na proyektong maaaring imungkahi sa DA-PRDP Scale-Up. Ito ay isang dairy milk processing and marketing enterprise. Kung sakaling maging interesado ang mga FCAs na ituloy ang proyekto, hinimok ng DA-PRDP 4A na sila ay sumailalim sa clustering and consolidation at bumuo ng partnership kasama ang private sector upang mapagtibay at mapatagal pa ang negosyo.
βPatuloy nating sulitin ang mga ganitong oportunidad upang magka-ugnay-ugnay at talakayin kung paano made-develop pa ang dairy carabao na isa sa mga champion commodities sa Calabarzon. Tungo sa pag-unlad ng industriya at pagdami ng benepisyo para sa ating farmers at consumers, bukas ang DA-PRDP na tumulong sa pagpondo ng mga proyektong magpapalawak at magpapalago pa ng produksyon, processing, at marketing ng dairy carabao products,β ani DA-PRDP 4A Deputy Project Director Engr. Redelliza Gruezo.
Lumahok sa aktibidad ang mga sumusunod: The Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative , General Trias Dairy Raisers Mutipurpose Cooperative, Llano Farmers Multipurpose Cooperative, Magdalena Agriculture Cooperative, Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative, DA-Calabarzon Livestock and Corn Programs, Regional Agriculture and Fishery Council – Calabarzon, Office of the Provincial Veterinarian (Laguna, Quezon, Cavite, & Batangas), Office of the City Agriculturist – Tayabas, Provincial Planning and Development Office (Batangas), Provincial Cooperative, Livelihood & Entrepreneurial Development Office – Batangas (PCLEDO BATANGAS), Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Department of Trade and Industry (DTI Batangas), at Skye Dairy.#