Ipinamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang mahigit P1,101,459.31 halaga ng interbensyong pangsaka sa mga magsasaka ng palay at high-value crops sa bayan ng Guinayangan, Quezon noong ika-7 ng Hunyo.
Binubuo ito ng P126,750 halaga ng hybrid na binhing palay at P225,000 halaga ng biofertilizer mula sa Rice Program at P749,709.31 halaga ng Solar Powered Irrigation System (SPIS) mula sa High Value Crops Development Program.
Ayon kay OIC-RTD for Operations and Extension Engr. Redelliza Gruezo, sinisikap ng Kagawaran na alalayan ang mga magsasaka sa malaking epekto ng el niño kaya naman ang handog na suporta ay ang SPIS na patubig sa tulong ng sikat ng araw.
Nanguna sa pamamahagi sina OIC-Regional Executive Director Fidel Libao at Engr. Gruezo kasama sina Guinayangan Mayor Maria Marieden Isaac at tanggapan nina Quezon Governor Helen Tan at Quezon 4th District Representative Keith Micah “Atty. Mike” Tan. #### (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)