Isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang oryentasyon sa Food Lane Project (FLP) para sa mga bagong aplikanteng biyahero ng mga produktong pang-agrikultura at pangisdaan noong ika-19 ng Hunyo sa Lipa City Batangas.
Ito ay upang magabayan at maipaliwanag sa mga aplikante ang mga hakbang at alituntunin sa akreditastyon sa FLP, mga batas sa daan at payo para sa kaligtasan sa kalsada.
Ang FLP ay isang proyektong pinangungunhan ng DA, Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP) na layong magbigay ng akreditasyon sa mga transport companies, masiguro ang kasariwaan ng mga produkto, at mabawasan ang gastos sa pagdadala ng mga ito sa merkado.
Bingyang diin ni DA-4A AMAD Chief Editha Salvosa, ang kahalagahan nang pagsunod sa mga gabay, alituntunin at mga paalala sa kalsada upang mas maging epektibo ang adhikain ng proyekto.
Samantala, naging tagapagsalita sa naturang aktibidad sina MMDA Chief Inspectorate Miguel Panal, DILG Local Government Operations Officer III Matthew Galasinao, at Regional Highway Patrol Unit 4A- PNP Police Chief Master Sergeant Lian Manalo.#### (Bryan E. Katigbak, DA-4A RAFIS)