GESI sa pang-agrikulturang aktibidad, isinusulong ng DA-4A, RAFC

 

 

Isinusulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at Regional Agriculture and Fishery Council (RAFC) ang pagkakaroon ng Gender Equality at Social inclusion (GESI) sa mga
aktibidad at programa ng kagawaran sa isinagawang sectoral meeting noong ika-30 ng Agosto sa Lipa City, Batangas.

Ang RAFC ay ang pamunuan ng mga kinatawan sa pribadong sektor ng agrikultura sa rehiyon na katuwang ng DA-4A sa pagpapaunlad ng industriya ng pagsasaka.

Ibinahagi sa mga miyembro ng kumite ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay sa oportunidad ng mamamayan o magsasaka sa kabila ng kasarian, edad, rehiyon, kultura, kapansanan o estado sa pamumuhay na maari nilang gamitin sa pagbuo ng mga resolusyong makakatulong sa pagpapalakas ng industriya.

Ayon kay G. Eugene Puente, tagapagsalita sa naturang pagpupulong, ang pagbibigay ng mga interbensyon sa mga magsasaka ay kinakailangan nang pagkakapantay-pantay na pagtrato. Aniya, sa pamamahagi ng ayuda, kinakailangan ikonsidera ang kanilang mga pangangailangan at hindi sa itsura o estado ng kanilang pamumuhay. #### (Bryan E. Katigbak, DA-4A RAFIS)