Tatlong Infrastructure Projects ng DA-4A sa Laguna at Quezon, Sinuri ng CPES
Sinuri ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang tatlong proyektong pang- imprastraktura sa Laguna at Quezon sa naganap na Entry at Exit Conference ng Constructor’s Performance Evaluation System (CPES) nitong ika-14 hanggang ika-17 ng Oktubre.
Layon ng CPES na malaman kung sumusunod ang mga contractor sa mga napagkasunduan na plano, disenyo, at tagal ng proyekto.
Ayon sa resulta ng bawat pagsusuri, mas bumubuti ang trabaho ng bawat contractor ng mga proyektong Samil Diversion Dam sa Lucban, Quezon; San Isidro Diversion sa Majayjay, Laguna; at 1- unit Romelo Diversion Dam sa Siniloan, Laguna. Sila ay nakatanggap ng pasadong grado at nagpapakita ng pagsunod sa mga naunang rekomendasyon ng CPES.
Magkakaroon naman ng susunod pang pagsusuri sa mga proyekto sa Majayjay at Siniloan. Kung saan binigyang diin din ang kahalagahan ng monitoring report na kailangan ipasa ng DA-4A Regional Agricultural Engineering Division (RAED) para sa pag-gagrado ng kalidad ng trabaho at kwalipikasyon ng mga contractor para sa mga susunod na proyekto o pagkuha ng lisensya.
Ipinarating ng CPES Team ang kagandahan ng aktibong pagtutulungan ng DA-4A at CPES Evaluators sa pagsisikap na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa tulong ng mga proyektong pang-imprastraktura sa rehiyon.
Ang naturang conference ay pinangasiwaan ng DA-4A RAED kasama ang Rice Banner Program, at CPES Evaluators mula sa Philippine Council for Agriculture and Fisheries, Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering, at mga accredited evaluators mula sa Rehiyon IV-B at V.#### (Carla Monic A. Basister, DA-4A RAFIS)