Nabuong plano ng mga clusters sa rehiyon, masusing sinuri ng DA4A, mga katuwang na ahensya; CDP mas pinalakas

 

 

Siyam na nabuong cluster sa rehiyon ang nagpresenta ng kani-kanilang Cluster Development Plan (CDP) para sa isang deliberasyon sa pangunguna ng #DACalabarzon Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) program noong ika-29 hanggang ika-30 ng Oktubre sa Lucena City, Quezon.

Ang CDP ay limang taong plano ng isang cluster na pagbabatayan ng Kagawaran sa pagbababa ng mga interbensyon para sa mga magsasaka. Nakapaloob dito ang aspeto ng production, processing, marketing, finance, human resources management, sustainability and risk reduction management, at ilan pang mahahalagang bahagi ng operasyon ng bawat cluster.

Tampok ang CDP ng mga nabuong rice, corn at livestock clusters mula sa Batangas, Rizal at Quezon sa dalawang araw na aktibidad kung saan masusing inaral at tinalakay ang mga nilalaman nito. Kabilang sa presentasyon ang mga plano ng Tayumanin Irrigators Association, Inc.; Calauag Rice Farmers Federation; Samahan ng Magtatanim ng Brgy. Burgos; Mayao Castillo Lucena City Irrigators Association, Inc.; Lucena City Growers Association; San Juan Farmers Federation; The Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative; Llano Farmers Multi-Purpose Cooperative; at Jala- jala Marketing Farmersโ€™ Cooperative.

Naging tagasuri ng mga nabalangkas na plano ang Province-led Agriculture and Fisheries Extension System o F2C2 Regional Project Monitoring Office at Regional Technical Working Group; Philippine Crop Insurance Corporation; National Irrigation Administration; Philippine Rice Research Institute; kinatawan mula sa PMED, RAED, AMAD, APCO at banner programs ng DACalabarzon, mga panglalawigang Agrikultor at Provincial Veterinary Office.

Kinilala naman ni F2C2 program focal person, Bb. Jhoanna Santiago, ang mga kinatawan ng mga clusters at mga lokal na pamahalaan na nagpresenta ng CDP at mga naging tagasuri. Aniya, isang malaking aspeto at hakbang ang aktibidad sa pagpapalakas at pagpapa-unlad ng mga clusters dahil ito ang kanilang magiging manwal para sa pamamahala at pagpapatupad ng mga hangarin at layunin ng kanilang mga clusters.

Inaasahang ang mga komento at suhestyon na nailatag ay maibabalangkas sa mga CDP ng mga opisyal ng clusters at katuwang mula sa mga lokal na pamahalaan para mas maging kapaki- pakinabang sa mga magsasaka ng rehiyon.