Negosyo ng mga FCAs palalakasin sa tulong ng AECEA ng DA-4A

 

 

Sa pagtutulungan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) at DA-Agribusiness and Marketing Assistance Services (AMAS), sampung Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs) kasama ang kanilang mga business proposals ang ipiniresenta sa isang Joint Technical Review noong ika-5 hanggang ika-7 ng Nobyembre sa Los Baños,Laguna.

Isinaayos sa naturang pagpupulong ang mga business proposals na kung saan ito ang aasistehan at maaring mapondohan ng programang Agri-Entrepreneurship Capability Enhancement Assistance (AECEA).

Ang AECEA isa sa mga pinagtutuan pansin sa pagpapatupad Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program (FFEDP) sa ilalim ng Republic Act No. 11321 o ang Sagip Saka Act na may direktibong palakasin ang kakayahang pagnenegosyo ng mga magsasaka at mangingisda.

Layon ng AECEA na palakasin ang mga negosyanteng magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng iba’t-ibang interbensyon tulad ng mga pagsasanay at tulong pinansiyal. Nakatuon ang programa sa pagpapataas ng kasanayan sa pagnenegosyo ng mga magsasaka at mangingisda kasabay ang pagiging isang mabisa at maaasahang tagatustos ng iba’t-ibang produktong pang agrikultura.

Ang mga FCAs na dumalo ay ang San Nicolas Farmers Agriculture Cooperative, San Andres Farmers Development Cooperative, Alfonso Cavite Coffee Growers Agriculture Cooperative, Adarna Agriculture Cooperative, Farmers' Federation of San Antonio, Quezon, Lucban Coconut Farmers Agriculture Cooperative, Lucban Farmers Agriculture Cooperative, Pangil Agriculture Cooperative, Majayjay Organic Farmers Association, at ang Ecolife (OFW) Multipurpose Cooperative.

Samantala, ipinarating ni G. Richmond Pablo ng AMAD ang agarang pagkukumpleto at pagsumite ng mga hinihingin dokumento at pagsasaayos ng mga business proposals ng bawat FCAs upang agarang makatanggap ng mga interbensyon mula sa programa.

(Bryan E. Katigbak, DA-4A RAFIS)